NASAWI sa engkuwentro ang dalawang miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa iloilo.
Napanatili ng Visayas Command (VisCom) ang kanilang momentum matapos ang panibagong pagkatalo ng CPP-NPA sa Visayas Region kasunod ng nangyaring engkuwentro laban sa tropa ng militar sa Iloilo.
Dalawang New People’s Army (NPA) terrorists ang nasawi at ilang mga gamit pandigma ang narekober ng mga miyembro ng 61st Infantry Battalion sa ilalim ng 301st Infantry Brigade ng Joint Task Force spear matapos makasagupa ang grupo ng teroristang NPA sa ilalim ng southern front ng Komiteng Rehiyon Panay (KR Panay) sa Brgy. Ayabang, Leon, Iloilo.
Ang mga nakuhang armas ay kinabibilangan ng (1) M16 rifle; (2) shotguns; (1) cal. 45 pistol; 11 cellphones; laptop computer; a tablet; (4) backpacks na naglalaman ng mga dokumento at ilang mga extortion letters.
Pinuri naman ni Lieutenant General Benedict M. Arevalo PA, commander ng VisCom ang tropa ng kasundaluhan dahil sa kagustuhan ng mga ito na mapalaya ang komunidad laban sa mapanlinlang na CPP-NPA.