2 miyembro ng CTG sa Mindanao, naaresto ng AFP at ng PNP

2 miyembro ng CTG sa Mindanao, naaresto ng AFP at ng PNP

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng communist terrorist group (CTG) na nag-ooperate sa Mindanao.

Ang nasabing operasyon ay ginawa sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) sa St. Andrew, Purok 23-B, Isla Suerte, Brgy. 76-A sa Davao de Oro.

Kinumpirma naman ni Major Ruben Gadut, Chief Division Public Affairs Office ng 10th Infantry Division ng Philippine Army ang nasabing operasyon at isinilbi ang arrest warrant para kay Benny Flores Mendoza isang political instructor ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) Executive Committee.

Kabilang sa naaresto si Francisco Rotol Sud-ongan na miyembro ng SMRC at nakuha mula sa kaniya ang isang fragmentation grenade at isang .45-caliber revolver.

Ang nabanggit na warrant ay inihain ng RTC Branch 11, Compostela, Davao de Oro para sa kasong Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Criminal Investigation and Detection Group-Davao Region (CIDG-Davao).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble