2 most wanted persons, arestado sa Laguna

2 most wanted persons, arestado sa Laguna

NALAMBAT ng pulisya ang No. 5 at No. 6 most wanted persons sa CALABARZON matapos ang joint operations sa Sta. Cruz, Laguna.

Ito ay sa pangunguna ng Sta. Cruz Municipal Police Station at Regional Anti-Cybercrime Unit 4A.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison Jr., Acting Provincial Director ng Laguna Police ang mga nahuli na sina Johmar Salisod at Vince Tuazon.

Sila ay nahaharap sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station ang mga suspek.

Iginiit naman ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ng PRO Calabarzon na ang operasyon ay patunay na pilit nilang pupuksain ang kriminalidad sa buong probinsiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter