2 most wanted persons sa Central Luzon, arestado ng pulisya

2 most wanted persons sa Central Luzon, arestado ng pulisya

NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon sa Central Luzon.

Sa ulat kay PRO 3 regional director Police Brigadier General Cesar Pasiwen, nahuli sa Dinalupihan, Bataan si Jonathan Mandap, top 1 most wanted sa Pampanga.

Sa operasyon sa San Antonio, Zambales, naaresto si John Paulo Pepito, top 7 regional most wanted sa kasong rape.

Ayon kay General Pasiwen, nagpapatuloy ang buong pwersa ng pulisya sa Central Luzon sa pagtugis sa mga masasamang elemento at mga wanted upang mapanagot sila sa ilalim ng batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter