2 MT ng shabu nasabat sa East Thailand

2 MT ng shabu nasabat sa East Thailand

NASABAT ang higit dalawang metriko toneladang shabu sa isang tourist boat malapit sa isang pier sa Rayong, East Thailand.

Walo katao ang inaresto noong Sabado, Hunyo 21, 2025 dahil sa tangkang pagpuslit nito patungo sa katimugang hangganan ng bansa.

Ang mga droga ay nakalagay sa mga plastik na supot na nakapangalan bilang corn flour.
Bawat supot ay may tinatayang isang kilong laman.

Ayon sa Thailand Department of Special Investigation, kung naibenta ito sa ibang bansa, aabot sa 90.8 million US dollars o P5.3B ang halaga nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble