SINUSPINDE ang dalawang nurse sa Australia dahil sa isang viral video ng marahas nilang pagbabantay sa kanilang Israeli patient.
Sa nasabing viral video na mismong kuha ng pasyente, sinabi ng lalaking nurse na maganda ang mata nito ngunit humingi lamang siya ng paumanhin dahil sa pagiging Israeli national nito.
Sinabihan pa nito ang pasyente na ipinapadala niya ang mga Israeli sa Jahannam, isang lugar sa Islam na katulad ng impyerno.
Dito na pumasok ang babaeng nurse, kung saan sinabi niyang hindi niya pinagagaling ang mga Israeli, kundi pinapatay.
Ayon naman sa Australia Health Minister, sa kabila ng viral video ay ligtas pa rin ang pasyente at wala silang nakikitang kakaiba sa medical record nito.