2 OFW patay, sanhi ng COVID-19

INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na mayroong 2 Overseas Filipino Workers (OFW) ang nasawi sanhi ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang isa sa mga OFW ay mula sa Asia at ang isa naman ay mula sa Europe.

Sa ngayon, mayroon ng 169 na mga OFW ang kumpirmadong may impeksyon ng Covid-19 sa buong mundo.

Sa naturang bilang, 111 dito ay mula sa Asia, 20 sa Europe at Amerika, at 18 naman sa Middle East.

Sa ngayon, 90 ang mga naka-recover na at nasa 77 naman ang kasalukuyang nagpapagaling.

Nasa 25 bansa naman ang nagbigay ng ulat na mayroong mga OFW sa kanilang lugar na nagkaroon ng impeksyon ng COVID-19.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.