2 opisyal ng gobyerno na umano’y kaibigan ng CTGs, kinuwestyon ni Pastor ACQ

2 opisyal ng gobyerno na umano’y kaibigan ng CTGs, kinuwestyon ni Pastor ACQ

NAGBIGAY ng pahayag si Pastor Apollo C. Quiboloy laban sa dalawang opisyal ng pamahalaan na umano’y nakikipagkaibigan sa komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa programang Powerline nitong Huwebes, Enero 12, ikinadismaya ni Pastor Apollo ang umano’y pagkakasangkot nina Baguito City Mayor Benjamin Magalong at Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa komunistang teroristang grupo.

Ito’y kasunod ng pahayag ng dating kadre ng CPP-NPA na si Jeffrey Ka Eric Celiz sa Programang Laban Kasama ang Bayan na lumalabas na trusted allies o kakampi ng CPP-NPA-NDF ang dalawang opisyal, dahil na rin sa pagtatanggol sa mga prenteng organisasyon ng teroristang grupo.

Ayon naman kay Pastor Apollo, mawawalan ng respeto ang taumbayan kung ito’y totoo.

“Kung ito man ay totoo, mawawalan ng respeto ang taong bayan sa inyo niyan na totoong nagmamahal sa bansang Pilipinas kasi doble kara kayo. Nasa posisyon kayo, nilagay kayo sa posisyon ng gobyerno. Pero hindi naman niyo pinagtatanggol ang gobyerno at ang inyong puso at ang inyong pagkakampi ay nandun pa sa kabilang ibig itumba ang gobyerno,” pahayag ni Pastor ACQ, Kingdom of Jesus Christ.

Partikular din ang butihing Pastor sa mga kumakampi sa CPP-NPA-NDF.

 “Bakit ako nawawalan ng respeto kung totoo man ito. Kasi ikaw pag nakipagsabwatan ka sa CPP-NPA-NDF, kinakatigan mo sila, kinakampihan mo sila. Kasama ka sa dugo na ibinubuo ng singkwenta mil na pinatay ng NPA. Kasama ka roon inayunan mo, Ed kasama ka. Kung mananagot man itong NPA na ‘to, itong CPP-NPA-NDF kasama kayo. Ang ibig sabihin pumapayag kami sa ginagawa ninyong pagpatay sa singkwenta mil. Pumapayag kami sa 17 major atrocities na ginawa ng NPA against the indigenous people of the Philippines. Pumapayag kayo sa pagpatay na walang awa kay Keith Absalon. Pumapayag kayo na patayin ang mga sundalong nasa humanitarian mode at pagbabarilin sila kahit patay na, pagnanakawan pa. Pumapayag kayo sa Rano Massacre na ginawa ng NPA. Bata, matanda, babae, lalaki, tumakbo na mga bata hinabol pa doon sa bahay, minassacre pa doon. Pumapayag kayo sa ginagawa nila,” dagdag ni Pastor Apollo.

Pakikipagkaibigan ng mga opisyal ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF, isang kataksilan – Pastor ACQ

Dagdag pa ni Pastor Apollo, isang pagtataksil ang kanilang ginagawa sa umano’y pagkikipagkaibigan sa kalaban ng estado.

“Ano ‘yung explanation ninyong dalawa rito na klarong-klaro na parang panig kayo doon sa CPP-NDA-NDF, pero nasa gobyerno kayo. Ano naghihintay na lang kayong magtitake-over ang komunista at pagkatapos lilitaw na kayong tunay na kasapi pala kayo talaga. Pagtatraydor yun sa Inang Bayan Pilipinas, sa ating demokratikong pamamaraan ng gobyerno. Ano magkaistoryahan na lang tayo. Ano ba talaga inyong gusto. Komunista ating pamahalaan o ganito,” ayon pa sa butihing Pastor.

Pinasaringan naman ni Pastor Apollo ang nasabing kongresista na isa ring pastor.

“Si Pastor Abante ata, congressman pastor pa ito. Hindi mo ba alam na kahit dugo ni Abel ay umiiyak naghihingi ng hustisya sa pagpatay sa kanya ni Cain. Pag nagbubo ka ng inosenteng dugo. Sisingilin sa inyo yan. Tapos kakampihan mo ang mga ahas na ito ng ating lipunan. Hindi ko kayo maintindihan,” saad ni Pastor Apollo.

Sabwatan ng ilang opisyal sa pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF, dahilan ng hindi matapos-tapos na insurhensya sa bansa

Binigyang-diin din ni Pastor Apollo na marahil kaya hindi matuldukan ang insurhensya sa bansa ay dahil na rin sa pakikipagsabwatan ng mga nasa pamahalaan.

“Kaya pala, ngayon nasosolve ko na sa utak ko ito na walang katapusang CPP-NPA insurgency problem. Kasi nandiyan pa rin kayo. Ang dami pala ninyo riyan sa gobyerno. Anong masasabi ko sa inyo? Mapawalang galang lang po sa inyo. Traydor kayo, pag ganyan kayo. Nasa gobyerno kayo, ibagsak ang gobyerno natin. Kinakampihan ninyo ang gustong bumagsak sa gobyerno natin at pumapatay na walang awa, nagnanakaw, nang-aalipusta, at sila ang dahilan ng kaguluhan ng ating bansa. Payag kayo don?”, aniya pa.

Samantala, bilang isang espirituwal na lider, inihayag naman ni Pastor Apollo ang espirituwal na pagtingin sa ginagawa ng CPP-NPA-NDF.

“CPP-NPA-NDF. I am addressing you, itong mga salita ng Diyos tugma sa inyo ‘to. Puspos sila ng kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan, puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapwa tao ng pagtatalo. Kung gusto ka ng confusion. Diyan sila, pagtatalo. Rally dito, rally doon; ng pagdaraya, mga sinungaling, ng mga kasamaan. Mga mapagpa-upasala. Yan sila, mga ugali nila yan; 30, mga mapanirang puri. Pagka mayroon tumatayo ng matuwid pagkatapos ieskandalo ka nila. Sisiraan ang puri mo. Mga napopoot sa Diyos. Walang Diyos.”

Walang Diyos ang komunistang grupo yan. Mga manlalait, mga palalo, mga hambogero, mga mapagmapuri, parang sino, mga mangangatha ng kasamaan, lahat ng kanilang mga dual tactics kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang. Anong mga tinuturo sa mga recruit nila. Iwanan ninyo mga magulang ninyo, kung maaari patayin pa nga ninyo. 31, mga haling, mga hindi tapat sa tipanan. Peace talk, peace talk, mga walang katutubong pag-giliw, walang mga puso yan, walang mga konsensya, mga walang habag, pinatay na, patay na’ng tao, lalapitan, babarilin muli sa mukha. 32, na bagamat nalalaman nila.”

“Kayong mga NPA at CPP-NPA. Nalalaman ninyo ang kautusan ng Diyos na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapat-dapat sa kamatayan.”

“Karapat-dapat kayo sa impiyerno. Ngayon hindi lamang gayon ang ginagawa. Ito pa, kumakampi na ito, hindi lamang gayon ang ginagawa. Makinig po kayo kung totoo man itong napakinggan ko sa inyo Mayor Magalong at Congressman Abante, para sa inyo naman ito. Hindi lamang gayon ang ginagawa kundi naman pinapayagan, kinakampihan ang mga nagsisigawa ng mga yaon. Tignan mo, yung gumagawa at kumakampi sa gumagawa. Pareho kayong karapat-dapat sa kamatayan,” pahayag ni Pastor Apollo.

Sa huli, inihayag ni Pastor Apollo na ang anitong mga opisyal ng pamahalaan na kampi sa komunistang teroristang grupo ay hindi mahal ang bayan.

“Ngayon anong mahal ninyo. Mahal ninyo sarili ninyo, mahal ninyo sarili ninyong political career, pero hindi niyo mahal ang bayan. Kasi itong gustong sumira sa bayan, papayagan ninyo. So kasama kayo sa kanilang kasalanan, yan ang aking take diyan. Lahat kayo di lamang itong dalawang ito.  Lahat kayong kumakampi,” pagtatapos ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter