NAGPAHAYAG ng respeto at pasasalamat si Office for Transportation Security (OTS) Undersecretary Ma. O Aplasca sa mga Security Screening Officer (SSO) na nagbalik ng natagpuan nilang gold bracelet.
Sa isang pahayag, sinabi ng OTS na natagpuan nina SSO Jeanalyn Alejandro at Mhay Raga na nakatalaga sa Caticlan Airport ang gold bracelet na naiwan ng pasahero sa security screening checkpoint ng nasabing terminal noong Pebrero 18, 2023.
Bilang bahagi ng procedure, inirecord ang insidente at itinurn-over ang item kay Security-In-Charge Felix Dungganon para sa safekeeping hanggang makuha ito ng pasahero.
Ayon kay Aplasca, nanatili ang integridad ng mga ito sa kabila ng mga hamon na kasalukuyang kinakaharap ng organisasyon.
Nangako rin si Aplasca sa OTS frontliners na ginagawa ng management ang lahat upang maingat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagsumite ng proposal sa Kongreso at Office of the President sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr).