2 pang suspek sa hazing incident sa Laguna, sumuko na sa pulisya

2 pang suspek sa hazing incident sa Laguna, sumuko na sa pulisya

SUMUKO na sa mga otoridad ang dalawa pang suspek sa hazing incident sa Kalayaan, Laguna na ikinasawi ng 18-anyos na si Raymark “RR” Rabutazo.

Kinilala ang mga sumukong suspek na sina Kirby Galero at Kevin Perez.

Ayon kay Galero, matagal na niyang gustong sumuko pero natatakot siya sa mga natatanggap na banta habang tumanggi naman si Perez na magbigay ng pahayag sa akusasyon na siya ang “master initiator” sa hazing.

Una nang isinailalim sa inquest proceeding sa Laguna Prodesuctor Office ang dalawa pang suspek na sina Eyvince Espaldon at Venzon Benedict Lacaocao na umano’y mga officers ng Tau Gamma Phi Fraternity para sa kasong homicide at paglabag sa Anti-Hazing Law.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang iba pang miyembro ng Tau Gamma Phi-Longos Chapter, ang grupong isinisisi sa pagkamatay ni Rabutazo.

BASAHIN: Isang estudyante sa Zamboanga, patay dahil sa hazing

Follow SMNI News on Twitter