2 panibagong commissioner ng COMELEC, kinumpirma ng Malacañang

2 panibagong commissioner ng COMELEC, kinumpirma ng Malacañang

KINUMPIRMA ng Malacañang ang dalawang bagong commissioner sa 7-member Commission on Elections (COMELEC) en banc bilang kapalit ng mga nagretiro.

Si Maria Norina Tangaro-Casingal mula sa COMELEC Law Department ang papalit kay Commissioner Socorro Inting, habang si Atty. Noli Pipo ang hahalili kay Commissioner Marlon Casquejo.

Kapag nakumpirma na sila ng Commission on Appointments (CA), magsisilbi silang commissioners hanggang Pebrero 2032.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble