KINUMPIRMA mismo ni Philippine Coast Guard (PCG) commandant Admiral Artemio Abu ang pagsibak sa dalawang Coast Guard ng PCG Binangonan.
Ito ay sa panayam ng media araw ng Biyernes Hulyo 28, 2023.
Kaugnay ito sa nangyaring pagtaob ng MBCA Princess Aya, dakong ala-una ng hapon Hulyo 27 sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan Rizal.
Ayon sa PCG, ang pagsibak sa posisyon sa dalawang coast guard personnel ay upang bigyang patas, makatotohanan at transparent na imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Kasabay ng pangako na mapapanagot nito ang sinuman na naging dahilan ng disgrasya kung saan 26 dito ang nasawi habang patuloy ang search and retrieval operations sa lugar na pinaglubugan ng bangka.