ARESTADO ang dalawang personalidad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting provincial director ng Laguna Police ang mga suspek na si alyas Tateng at alyas Kim.
Si alyas Tateng ay nahuli sa Purok 1, Brgy. Sto. Angel Norte matapos magbenta ng iligal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Nakumpiska sa kanya ang 4 na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga.
Habang si alyas Kim ay nasakote sa Purok 6, Brgy. Sto. Angel Norte, kung saan nakuha sa kanya ang 5 pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga.
Mahaharap ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.