2 Pilipino seafarers na nabihag sa Haiti ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

2 Pilipino seafarers na nabihag sa Haiti ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

PORMAL nang tinanggap ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dalawang Pilipinong seafarers mula sa MV Century Royal sa kanilang central office sa Mandaluyong City nitong Hunyo 19.

Patuloy ring nakikipagtulungan ang DMW sa seafarers manning agency para masiguro ang full recovery at reintegration ng mga ito at maibigay ang kinakailangang suporta.

Nakipagpulong naman ang mga opisyal ng DMW sa mga biktima kasama ang asawa ng ibang mga seafarer sa ahensiya ng manning agency.

Samantala, nagbigay ang DMW ng P75,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng AKSYON fund sa kanilang pagdating noong Mayo 23 at noong Hunyo 17, 2025.

Magkakaroon din ng karagdagang suporta ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) partikular na sa mga anak ng mga biktima.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble