2 Pinay na biktima ng human trafficking sa Malaysia, nakauwi na ng bansa

2 Pinay na biktima ng human trafficking sa Malaysia, nakauwi na ng bansa

NAKAUWI na ang Pilipinas ang dalawang Pilipina na biktima ng human trafficking sa bansang Malaysia.

Ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), dumating ang dalawang biktima sa bansa noong Disyembre 20 mula sa Kota Kinabalu sa Malaysia.

Sa salaysay ng dalawa, nakarating sila ng Malaysia sakay ng isang barko na may rutang Palawan-Kudat.

Pinangakuan umano sila ng trabaho bilang waitresses sa isang club doon pero hindi rin pinasahod nang magsimula na silang magtrabaho.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, na-detain ang isang biktima nang magreklamo sa mga awtoridad ng Malaysia at natuklasang wala itong working visa.

Napauwi ang dalawang biktima sa tulong na rin ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, at ng NAIA Task Force against Trafficking.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble