NAILIGTAS sa Malaysia ang dalawang Pinay na na-recruit bilang drug mule ng isang African drug syndicate.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), napauwi na ang mga ito sa Pilipinas.
Sa ulat pa, may naaresto rin ang Malaysian police na babaeng African na dala-dala ang nasa 2.3 kilos ng cocaine.
Ang mga cocaine na ito ang ibibigay sana ng African sa dalawang nailigtas na Pinay.
Para ma-recruit ang mga Pinay ayon sa imbestigasyon ay inakit sila sa isang 5 thousand dollars all-expenses paid trip papuntang Malaysia at Hong Kong.
Kapalit lang nito ay dalhin nila ang ilang package mula Malaysia papuntang Hong Kong.
Sinabing ang dadalhing mga package ay naglalaman lang ng Malaysian products na binili ng ilang negosyante sa Hong Kong.