CONGRATS sa dalawang Pinoy designers na nasa Estados Unidos.
Ito’y dahil bida sa naganap na New York Fashion Week Fall/Winter 2025 ang ilang magagandang koleksiyon ng isang Pinoy-American designer.
Ang tinutukoy ay si Kenneth Barlis na dala-dala ang 20 urban chic fashion designs niya sa naturang fashion week na isinagawa nitong Pebrero 6 hanggang 11, 2025, sa Angel Orensanz Center sa Norfolk, New York.
Sa kaparehong mga araw, ibinida naman ni Bessie Besana sa Filipinxt Runway Show sa Manhattan, New York ang kaniyang bridal collection.
Makikita rito ang contemporary at elegant styling ni Besana sa larangan ng bridal wear.
Si Consul General Senen Mangalile ay ipinaabot ang kaniyang pagiging proud sa dalawa dahil aniya, hindi madalas na nangyayari ang pagiging tampok ng mga Pinoy designers sa mga fashion week.