2 Pinoy, nasaktan sa matinding lindol sa Turkey –DFA

2 Pinoy, nasaktan sa matinding lindol sa Turkey –DFA

DALAWANG Pinoy ang naitalang nasaktan sa Turkey kasunod nang magnitude 7.8 na lindol na yumanig dito at sa katabi nitong bansang Syria.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, dalawang Pinoy ang naitalang nasaktan sa Ankara at sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon na rin ang mga ito.

Wala namang naitalang nasaktan o namatay na Pinoy sa Syria na tinamaan din ng matinding lindol ngunit nasa 60 na Pinoy naman doon ang apektado ng matinding sakuna.

Samantala, sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapadala ang Pilipinas ng 85-man team upang tumulong sa Turkey.

Sa ngayon ay aabot na sa higit 7,800 ang naitalang namatay sa parehong Turkey at Syria dahil sa matinding paglindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter