2 pulis, naaresto dahil sa indiscriminate firing noong Kapaskuhan at Bagong Taon

2 pulis, naaresto dahil sa indiscriminate firing noong Kapaskuhan at Bagong Taon

DALAWANG pulis at dalawampu’t siyam na iba pa ang naaresto ng Pambansang Pulisya dahil sa indiscriminate firing noong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Batay sa datos na inilabas ng PNP sa kanilang ‘Ligtas Paskuhan’, nasa kabuuang tatlumpu’t pitong kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng ahensya.

Nasa kabuuang tatlumpu’t siyam na indibidwal ang sangkot dito kung saan nasa tatlumpu’t isa ang naaresto habang nanatiling pinaghahanap ang walong iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble