2 pulis sangkot umano sa kuwestiyunableng raid sa Cavite, arestado ng PNP IMEG

2 pulis sangkot umano sa kuwestiyunableng raid sa Cavite, arestado ng PNP IMEG

DINAKIP ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang dating pulis at isang aktibong pulis dahil sa kuwestiyunableng drug operation sa Imus, Cavite na nag-viral sa social media.

Ayon kay PNP IMEG director Police Brigadier General Warren de Leon, kinilala ang mga nahuli na sina dating Police Corporal Jenerald Cadiang at Police Senior Master Sergeant Daisy Diones, kasalukuyang nakatalaga sa General Service Office ng Cavite Police Provincial Office.

Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inilabas ng korte sa Imus, Cavite.

Ito ay matapos pasukin umano ang bahay ng isang retiradong propesor sa Imus, Cavite noong Agosto at pinalabas na operasyon kontra ilegal na droga.

Nakita rin sa CCTV na kinuha umano ng mga pulis ang mga gamit ng biktima.

Dinala na sa Imus City Police Station ang dalawang pulis habang tinutunton pa ang iba nilang kasamahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble