2 sea vessels ng PCG, nag-aantay na ng deployment papuntang Negros Islands

2 sea vessels ng PCG, nag-aantay na ng deployment papuntang Negros Islands

NAG-aantay na lang ng deployment papuntang Negros Islands ang dalawang sea vessels ng Philippine Coast Guard-Central Visayas.

Ito’y para tumulong sa mga naapektuhan matapos pumutok ang Bulkang Kanlaon alas tres ng hapon nitong Lunes, Disyembre 9, 2024.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matiyak ang maayos na pagbiyahe ng mga truck na magdadala ng food packs mula Cebu papuntang Negros.

Samantala, sa tala ng Office of Civil Defense, mahigit 80K ang mga residenteng pinapalikas dahil sa Bulkang Kanlaon eruption.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter