2 senador, naniniwala na mas makabubuti ang pagsasapribado ng NAIA

2 senador, naniniwala na mas makabubuti ang pagsasapribado ng NAIA

TIWALA ang dalawang mambabatas sa Senado na magiging mas maayos ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung isasailalim ito sa pangangalaga ng pribadong kompanya.

Sinabi ni Senator Grace Poe, chairperson ng Senate Public Services Committee na ang pagsasapribado ng NAIA ay matagal nang dapat ginawa.

“We could have averted the glitches that messed up the flight schedules and inconvenienced thousands of travelers had the modernization of the airport’s air traffic control and operations been undertaken years ago,” saad ni Sen. Grace Poe, Chair, Committee on Public Services.

Ipinunto ng senadora, naiwasan sana ang pagkaantala sa libu-libong pasahero noong Enero 1, 2023, kung modernisado lamang ang air traffic control operations nito.

Una nang inirekomenda ng nasabing komite ni Poe ang pagkuha ng isang pribadong kompanya para i-manage ang pangunahing paliparan ng Pilipinas.

Pinuri ni Poe ang magandang pagbabago sa Mactan-Cebu International Airport.

“This could be a template for the modernization of the NAIA operations. It’s time to start fixing our country’s premier gateway. Filipinos and foreign travelers deserve a better airport,” dagdag ni Sen. Poe.

Kung saan ang pinaganda nitong mga pasilidad ay naging daan sa paglago ng turismo.

Pero sa kabila ng nais niya na pagsasapribado ng NAIA ay sinabi ni Poe na dapat siguruhin ng gobyerno na kakayanin ng pribadong kompanya na pagandahin ang serbisyo ng air transport sector ng bansa.

Nais ni Poe na magkaroon ng timeline ang pribadong kompanya sa pagpapaganda sa serbisyo ng paliparan, at singilin naman kung hindi ito naipatutupad.

Sang-ayon naman si Sen. Francis Chiz Escudero sa pagsasapribado ng NAIA.

“The private sector, I believe, is by far more efficient than government,” ayon kay Sen. Francis Escudero.

Pero sinabi ni Escudero na dapat malinaw ang hangganan sa kontrol ng pribadong kompanya at maging ang pamahalaan.

Ang pagsasapribado ay dapat alinsunod din aniya sa batas at maging sa umiiral na procurement procedures.

Sa nakaraang linggo ay una nang nagsumite ng proposal ang Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA).

Nais ng dalawa na mapaganda ang serbisyo at taasan ang kapasidad ng NAIA.

Sa proposal ay nakasaad na kailangan ng pribadong kompanya para sa pagbili ng mga: bagong equipment para sa air traffic control, pag-rehabilitate ng mga runway, at pagpapaganda sa mga kasalukuyang terminal facilities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter