2 senior official, inirekomenda bilang acting PNP chief

2 senior official, inirekomenda bilang acting PNP chief

DALAWANG senior official ng Philippine National Police (PNP) ang inirekomenda ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para pumalit sa magreretirong si PNP Chief General Dionardo Carlos.

Ayon kay Año, isinumite niya ang kanyang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Martes.

Batay sa DILG, ang mapipili ng Pangulo ay magsisilbi lamang bilang PNP Chief sa isang acting capacity o magsisilbing officer-in-charge.

Samantala, sinabi ni Año na may otoridad ang Pangulo na pumili ng acting PNP chief na wala sa rekomendasyon ng DILG at desisyon din nito kung palalawigin ang termino ni Carlos bilang PNP chief.

Nakatakdang magretiro si Carlos sa Mayo 8, isang araw bago ang araw ng halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter