2 South African nationals, arestado sa pagdadala ng P97M halaga ng shabu sa NAIA, Pasay

2 South African nationals, arestado sa pagdadala ng P97M halaga ng shabu sa NAIA, Pasay

NAARESTO ang 2 South African nationals matapos na mahulihan ng mahigit P97M halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bunga ito ng ikinasang anti-illegal drugs operations ng mga tauhan ng NAIA-Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADTG) kaninang ala-una ng madaling araw, Enero 17, 2025 sa Customs Exclusion Room, International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa report, napansin ang kahina-hinalang laman ng bagahe ng dalawang dayuhan nang idaan ito sa scanning machine ng paliparan.

Gamit ang K9 unit, positibo sa narcotics ang naturang mga bagahe.

Tumitimbang ang droga ng 14,396 grams na may estimated street value na mahigit P97M.

Ang mga suspek ay isang 44 anyos na babae at kasama nitong 73 anyos na lalaki, pawang taga Johannesburg, South Africa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble