SA kulungan ang bagsak ng 2 street-level individuals matapos ang buy-bust operation sa Calamba City, Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna Police ang suspek na si Alyas “Fredie”, residente ng Calamba City, Laguna.
Nakuha sa kanya ang 2.1 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 14,280 piso.
Habang nahuli rin ang isa pang suspek na kinilalang si Alyas “Reden” at nasamsam sa kanya ang 1.5 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 10,200 piso.
Isusumite sa crime laboratory ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri.
Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.