2 suspek at mahigit P40-M halaga ng shabu, timbog sa ginawang buy-bust operation ng PNP-DEG

2 suspek at mahigit P40-M halaga ng shabu, timbog sa ginawang buy-bust operation ng PNP-DEG

TIMBOG ang 2 suspek at nakuha ang mahigit P40-M halaga ng shabu sa ginawang buy-bust operation ng PNP-DEG sa Makati City.

Kahapon bandang 7:30 ng gabi ginawa ng mga operatiba ang buy-bust operation na pinangunahan ni PBGen. Remus B. Medina, Director, PNP-DEG kasama ang SOU-NCR at IFLD PNP DEG, Makati City Police Station, PDEA NCR, and Bureau of Customs, Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) sa 3628 B, Hilario St., Brgy. Palanan Makati City na nagresulta sa pagka-aresto sa 2 suspek.

Kabilang dito si Bryan Salceda, 26 years old, married at resident ng Conception Pasay City at si Jerome Gaje, 27 years old, single at resident ng Estrella Pasay City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang humigit kumulang 6 kilo ng white crystalline substance na nasa Php 40,800,000.00 halaga Standard Drug Price (SDP). Two (2) pcs genuine One Thousand Peso Bills placed on top of Ten (10) bundles of boodle money used as buy-bust money; One (1) unit Android cellular phone; at 1 pack ng plastic ice.

Nasa kustodiya na ng SOU1 PNP DEG Office ang dalawang suspek na nahuli at mahaharap ito sa kaso ng RA 9165.

Pinuri naman ni PBGen. Medina ang PNP-DEG sa matagumpay na operasyon.

“Our policemen on the ground will never be complacent in our fight against illegal drugs in the country, thus expect massive operations to be conducted by our drug operatives making our country a drug free Philippines,’’ayon kay PBGen. Medina.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.