2 tulak ng pinagbabawal na droga tiklo ng PDEA-SES

2 tulak ng pinagbabawal na droga tiklo ng PDEA-SES

MATAGUMPAY ang isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service (SES) na nagresulta ng pagkakaaresto sa umano’y dalawang na tulak ng droga.

Isinagawa ang drug operation ng PDEA-SES alas 12:17 ng tanghali ng Abril 18, 2024 sa Cloverleaf Mall Balintawak Quezon City.

Nakuhang ibidensiya ang dalawang kilo umanong pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P13.6-M, boodle money, at isang cellphone.

Sa report ng mga operatiba ng PDEA SES kay SES Director Rogelito A. Daculla, na isinumite kay PDEA Director General Moro Virgilo Lazo, kinilala ang dalawang suspek na sina Arnold Zaragoza y Armamento, 49 anyos taxi driver, residente ng Balintawak Quezon City; Ansano Macapantad y Mala, 28 anyos ng Valenzuela City.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5, at Section 21 Article II of RA 9165.

Follow SMNI NEWS on Twitter