NAGPOSITIBO sa Omicron variant ng COVID-19 ang 2 turista sa Chiang Mai, Thailand.
Ang 2 turista ay kinilalang mga German at British nationals na dumating sa bansa sa ilalim ng quarantine free program na test and go.
Inihayag naman ng Gobernador ng Chiang Mai na si Prajon Pratsakul na ang German na turista ay dumating sa Bangkok noong Disyembre 17 at nagbyahe sa hilagang probinsya sa pamamagitan ng Thai Lion Air Flight SL 510 noong Disyembre 20.
Nanatili naman ito sa condominium sa Chang Klan area sa Muang district at nagbyahe sa Mae Wang district para sa isang jungle trip noong Disyembre 21.
Samantala, labing walong katao naman ang nanatiling high risk dahil sa close contact sa German tourist na ito.
Umabot naman sa 57 impeksyon ang naitala ng Chiang Mai noong Linggo na nagdala sa kabuuang bilang nito sa dalawamput walong libo isandaan at pitumpu mula nang magkaroon ng outbreak.