2 Vietnamese national, timbog sa panggagamot nang walang kaukulang lisensiya

2 Vietnamese national, timbog sa panggagamot nang walang kaukulang lisensiya

HULI sa isang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati, ang dalawang Vietnamese na nag-ooperate ng medical procedures nang walang kaukulang lisensiya at permit.

Mula sa video at sa mga larawang ito, makikita ang dalawang suspek na sina “Nguyen” (babae) at “Phuong” (lalaki), pawang mga Vietnamese National na pawang nakasuot pa ng roba habang nasa klinika ito at nagsasagawa ng medical procedures sa isang pasyente sa Makati.

Ngunit napag-alaman na wala palang mga lisensiya at permit ang dalawa para magsagawa ng naturang prosesong medical.

Nasakote ang dalawa sa isinagawang entrapment operation ng PNP-CIDG sa Doly Beauty Lounge sa H.V. Dela Costa, Bel-Air Village, Makati City noong Hunyo 16, 2025.

Ayon sa impormasyon ng mga awtoridad, nagbibigay ng medikal na konsultasyon ang dalawa sa kanilang mga biktima.

Ilan sa mga majot procedures nito ang nose augmentation at body parts modification procedures pero walang permit o lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Agad na dinala ang mga suspek sa kostudiya ng Pulisya para sa malalimang imbestigasyon habang patuloy ang babala nila sa mga gumagawa ng ilegal na aktibidad na hindi sila makatatakas sa batas lalo na sa mga ilegal na aktibidad at krimen sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter