2 Wanted Persons ng Talipapa Police Station, naaresto

2 Wanted Persons ng Talipapa Police Station, naaresto

NAARESTO ang No. 1 Most Wanted Person at No. 8 Most Wanted Person ng Talipapa Police Station (PS 3) sa bisa ng warrant of arrest kahapon, Mayo 22, 2024.

Ito ay batay sa inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico A. Maranan.

Batay sa ulat ng PS 3 sa pamumuno ni PLtCol. Resty Damaso, naaresto ang akusado na kinilalang si Ruizo Arthur Jr., nakalista bilang No. 1 Station Level Most Wanted Person, 21 taong gulang, tricycle driver at nakatira sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Naaresto ito dakong alas singko ng hapon sa kahabaan ng ROTC Hunters St., Brgy. Tatalon, Quezon City para sa kasong Robbery with Slight Physical Injuries na inilabas ng Branch 77, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Samantala, sa hiwalay naman na operasyon ay naaresto ng mga nasabing operatiba ang akusado na si Regine Sta Maria, nakalista bilang No. 8 Station Level Most Wanted Person, 35 taong gulang, at nakatira sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Si Sta. Maria ay naaresto dakong ika-3:00 PM sa kahabaan ng Mercury St, Brgy. Tandang Sora, Quezon City, para sa kasong Estafa na inisyu ng Branch 77, RTC, Quezon City.

Ang mga hukumang pinagmulan ng utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble