LABIS na ikinatuwa ng mga dating persons deprived of liberty (PDLs) o mga preso matapos silang makatanggap ng puhunan mula sa Quezon City LGU ng lungsod.
Nasa 20 dating PDLs ang nakatanggap ng mga panindang nagkakahalaga ng P10,000 sa ilalim ng Tindahan ni Ate Joy program.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, layon nitong mabigyan ng kabuhayan ang mga lumayang PDL para sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.
Bahagi ito ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni QC Mayor Joy Belmonte.