20 IPs sa Agusan del Norte, nakapagtapos ng basic computer education

20 IPs sa Agusan del Norte, nakapagtapos ng basic computer education

MATAGUMPAY na nakapagtapos ng basic computer education ang 20 Higaunon na estudyante mula sa bulubundukin ng Brgy. Bokbokon, Las Nieves, Agusan del Norte.

Sa inisyatiba ng pinagsamang puwersa ng Department of Education (DepEd) at 23rd Infantry Battalion (23IB) ng Philippine Army (PA) upang maiwasan ang recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa probinsiya ng Agusan del Norte.

Ayon kay Michael Mandahinog, administrative staff ng local government unit (LGU) Las Nieves, lubos siyang nagpapasalamat dahil napili ang lungsod ng Las Nieves upang sanayin ang 20 na mga indigenous people (IPs) students para sa basic computer education na inihanda ng DepEd at 23IB na napapanahon upang makasabay ang mga kabataan sa modernong teknolohiya.

 “Napakasuwerte namin dahil napili ng mga lungsod ng probinsiya ng Agusan del Norte ang bayan ng Las Nieves na nanguna sa nasabing pagsasanay sa computer literacy. Kami ay umaasa na kayong lahat ay maibigay ang inyong tiwala at debosyon sa ganitong klaseng mabuting pagsasanay. Sa napapanahong ito ng modernong teknolohiya,” ayon kay Michael Mandahinog, Administrative Staff ng Las Nieves LGU.

Matatandaan na ang bayan ng Las Nieves sa probinsiya ng Agusan del Norte ang nakapaglunsad ng mobile computer literacy (MCL) para makapagbigay ng computer education para sa marginalized sector lalo na ang mga IPs upang lubusan nang matuldukan ang pag-rerecruit ng makakaliwang grupo.

 “We would like to extend our sincerest gratitude to our partner stakeholders for your unselfish contribution to the success of this program. Once again, we have proven that if we unite our efforts, nothing is impossible in attaining our goals of peace and development in our community. Let us work hand in hand in providing services to our fellow Filipinos,” ayon kay Ms. Emma Love Sudario, Assistant School Division Superintendent, DepEd-13.

Samantala, lubos namang nagpapasalamat si Emma Love Sudario, assistant school division superintent ng DepEd-13 sa mga stakeholder sa kanilang kontribusyon upang maging matagumpay ang nasabing programa, at tunay umano na walang imposible basta nagkakaisa para sa iisang hangarin para sa kapayapaan ng komunidad.

LtGen. Greg T. Almerol ng Eastern Mindanao Command, naging panauhing pandangal

Sa kabilang banda, naging panauhing pandangal si LtGen. Greg T. Almerol ng Eastern Mindanao Command at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa ginawang ceremonial turnover sa 40 dating miyembro ng Communist Terror Group-New People Army (CTG-NPA) sa pagdiriwang ng Peace 911 sa ika-5 anibersaryo na ginanap sa Brgy. Paquibato Proper Gymnasium.

Sa naging mensahe ni Mayor Baste Duterte, pinuri nito ang inisyatiba ng Peace 911 para sa ikalalago ng ekonomiya ng lungsod at sa usapin ng social welfare programs, development projects at education campaign na malaking ambag para sa kapayapaan at paglago ng Paquibato at sa buong lungsod ng Davao.

Pinuri din nito ang pagsuko ng mga dating rebelde sa pamahalaan na malaking tulong para sa nation-building at sa kabuhayan ng mga ito.

Malaki ang pasasalamat ni LtGen. Almerol, sa pagbabalik-loob ng mga dating rebelde at sa suporta at tiwala ng ibinigay sa kanilang ahensiya upang patuloy na masaayos ang takbo ng peace and order sa lungsod.

“Bilang isang Pilipino at kumander ng Eastern Mindanao Command, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong desisyon na talikuran ang NPA at ibalik ang inyong tiwala sa gobyerno. Kami ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa aming tanggapan. Magpatuloy tayo at magtulungan para makamit ang kapayapaan sa Davao City,” ayon kay LtGen. Greg T. Almerol ng Eastern Mindanao Command.

Matatandaan na kilala ang Davao na isang insurgency-free dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa upang tuluyang mabuwag ang CTG-NPA sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter