20% ng rice farms sa bansa, maaapektuhan ng El Niño- NIA

20% ng rice farms sa bansa, maaapektuhan ng El Niño- NIA

POSIBLENG maapektuhan ang nasa 20% ng palayan sa buong bansa partikular na sa Central Luzon dahil sa kakulangan ng tubig para sa irigasyon.

Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen, ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang pagtatanim ng rice varieties na marami ang magiging ani sa mga lugar na may sapat na irigasyon.

Ito’y upang mapunan ang mga lugar na mababa na ang magiging ani.

Gagawin rin anila ang alternate wetting and drying technology kung saan hindi ito nangangailangan ng maraming tubig para sa irigasyon at tataas pa ng 20%-30% ang ani.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble