20 paaralan sa 6 na rehiyon nasira dulot ng Bagyong Karding

20 paaralan sa 6 na rehiyon nasira dulot ng Bagyong Karding

NASA 20 paaralan mula sa anim na rehiyon ang nagtamo ng pinsala bunsod ng pananalasa ng Bagyong Karding nitong weekend.

Batay ito sa ulat ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa DepEd, tinatayang nasa P112 milyon ang kakailanganing halaga para sa pagsasaayos ng mga nasira.

Samantala, sinabi ng DepEd na nasa 259 paaralan pa ang nanatili pa ring ginagamit bilang evacuation centers.

Follow SMNI NEWS in Twitter