20 private armed group, nabuwag bago ang May 2022 elections

20 private armed group, nabuwag bago ang May 2022 elections

HUMIGIT-kumulang nasa 20 private armed groups (PAGs) ang nabuwag bago ang May 2022 elections.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, karamihan sa 20 PAGs ay mula sa Bangsamoro at bahagi ng local terrorist groups.

Ani Fajardo, kinukuha ng ilang politiko ang mga miyembro ng PAG na ito na may kaugnay sa pagsasagawa ng halalan.

Sakaling makakuha ng sapat na ebidensya, sinabi ni Fajardo na magsasampa ang PNP ng mga reklamo laban sa mga politiko na kumuha ng serbisyo ng PAGs.

Batay kay Fajardo, nakatakdang maglabas ang National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups ng official resolution upang tanggalin ang tatlong natitirang aktibong pre-identified PAGs.

Follow SMNI News on Twitter