20 satellite communication kits, tinanggap ng OCD

20 satellite communication kits, tinanggap ng OCD

TUMANGGAP ng 20 portable satellite communication kits ang Office of Civil Defense (OCD) mula sa Diversified Financial Network Incorporated (DFNN).

Sinaksihan ang turnover ceremony nina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, at ilang opisyal ng OCD.

Pinasalamatan ni Teodoro si DFNN chairman Ramon Garcia sa kanilang donasyon at layunin mapalakas ang kakayahan ng OCD na maghanda at tumugon sa mga sakuna.

Sinabi naman ni Nepomuceno na magpapalakas ng mga portable satellite ang communications capability ng OCD, DRRM councils at local governments sa buong kapuluan.

Ang SpaceX Starlink kits ay gumagamit ng pinakabagong satellite technology na maaaring i-operate sa rural at remote areas.

Ang nasabing kits ay low maintenance devices na madaling i-deploy dahil sa mobility at portability design na maaaring i-operate ng isang tao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble