200 bilanggo ng NBP, inilipat sa Leyte

200 bilanggo ng NBP, inilipat sa Leyte

INILIPAT mula New Bilibid Prison (NBP) papuntang Leyte Regional Prison (LRP) ang nasa 200 bilanggo.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) General Gregorio Catapang Jr., ang mga inilipat na bilanggo ay magsisilbi ring karagdagang manpower para sa “green revolution” program ng LRP.

Pebrero 6 nang umalis ang 200 bilanggo mula Bilibid at nakarating ito sa Leyte nitong Pebrero 8, 2024.

Sa ngayon, mahigit tatlong libo (3,259) na ang PDLs na inilipat mula Bilibid at Correctional Institution for Women sa iba’t ibang prison facilities noong Hunyo 2022 hanggang Enero 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble