200 checkpoints, sinet-up ng PNP para labanan ang pagkalat ng COVID-19

NAG-set-up ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 200 checkpoints sa Metro Manila at maging sa labas ng rehiyon para labanan ang pagkalat ng nakakamatay na virus ang COVID-19.

Ayon kay PNP Acting Spokesperson Maj. Gen. Benigno Durana Jr., batay sa ulat ng command center sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 50 checkpoints ang kanilang na-established.

Sinabi ni Durana na bukod sa NCRPO, nagpatupad din ng checkpoints ang iba pang regional police offices gaya ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Central Luzon.

Samantala, itinalaga naman ang PNP-Aviation Security Group (AVSEGroup) na manguna sa border control sa mga airports.

Checkpoint at hindi road closure, ang ipatutupad sa community quarantine sa Metro Manila

Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas na walang road closure at walang road blocking sa pag-iral ng community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Sinas, checkpoints lamang ang kanilang ipinapatupad sa mga borders ng rehiyon.

Sinabi ni Sinas na nasa limampung checkpoints ang na-establish ng NCRPO na minamandohan ng nasa mahigit dalawang libong mga police personnel.

Katuwang ng mga pulis sa checkpoints ang mga sundalo, kinatawan mula sa Department of Health, Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

No ID, No Entry sa Metro Manila, ipatutupad simula ngayong araw ng Lunes

Hindi na makakapasok sa Metro Manila ang mga empleyadong naninirahan sa probinsiya pero nagta-trabaho sa Metro Manila kung hindi makakapagpakita ng Idenfication Card.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na simula ngayong araw ng Lunes, Marso 16 ay maghihigpit na ang mga otoridad sa mga checkpoints na ipinapatupad sa mga border ng Metro Manila.

Ayon kay Lopez, dapat may maipakitang company ID o proof of employment ang mga empleyado bilang katibayan na sa Metro Manila sila nagtatrabaho.

Sinabi naman ni Ca­binet Secretary Karlo Nograles na magpupulong ang Inter-Agency Task Force upang makapaglabas ng polisiya patungkol sa mga empleyado sa NCR na naninirahan sa mga kalapit na probinsya.

Binigyan diin naman ni acting PNP Spokesman Maj. Gen. Benigno Durana Jr. na, mahalaga na mamonitor ang mga papasok at lalabas ng Metro Manila.

Samantala, nasa 40, 000 police personnel ang ipakakalat ng PNP sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.