Nasa dalawang-daang dayuhan mula sa iba’t bang bansa ang mainit na tinanggap ni Senadora Cynthia Villar, araw ng Huwebes sa The Tent Villar City ng Las Piñas.
Sila ay mga delegado ng dalawang araw na 13th Asian Bird Fair kung saan si Villar ang tumatayong host dito sa bansa.
Ang mga delegado ay mula sa bansang Australia, Bhutan, CAmbodia, China, Equador, Columbia, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Nepal, Peru, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand, Uganda, United Kingdom, At United States.
Inaasahan na tatalakayin ng mga delegado ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga ibon at kanilang mga tirahan at kung paano mahinto ang ilegal na pagbebenta ng mga ito.
‘’I echo the sentiments of many bird watchers who believe that “a world without birds is indeed a world without joy”. A reminder that when they are in peril so as the planet we share,’’ ayon kay Sen. Cynthia VIllar.
Sa kanyang speech, iginiit din ni Villar na kung gusto nating pangalagaan ang mga ibon ay dapat ring pangalagan ang kanilang mga tirahan, partikular na ang mga wetland areas.
Si VIllar na kilalang environmentalist ang nangunguna sa pangangalaga sa Las PInas-Paranaque Wetland Park na nagsisilbing tahanan ng daan-daang migratory birds.
‘’Having the 13th Asian Bird Festival here in Las Piñas is a powerful way to highlight the immense value of wetlands like the Las -Paranaque Wetland Park. It reminds us to protect this fragile eco-system and the birds that depend on them for survival,” ani Villar.
Umaasa rin si villar na sa pamamagitan ng nasabing Bird fair ay matuto ang mga kabataan na pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.
‘’As a senator of the Philippines I always go to the Las Piñas Paranaque Wetland Park every Saturday. During the first 20 Saturday I always brought the high school students of Las Piñas so they will appreciate what we are protecting for them, and now I am bringing the adults so that they will be part of the movement to protect our wetland park,” saad nito.
Ang 13th Asian Bird Fair ay isasagawa mula November 21 hanggang sa 22.