AABOT sa 200 pamilya na sinalanta ng Bagyong Odette nitong nakaraang taon ang nabigyan ng P10,000 cash assistance mula sa National Housing Authority (NHA).
Ito ay matapos aprubahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang pamamahagi ng ayuda partikular na sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo sa San Vicente, Palawan.
Ang tulong pinansiyal ay mula sa Special Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA na aabot sa P2-M.
Ang mga benepisyaryo ay nawalan ng tirahan nitong manalasa ang Bagyong Odette sa Palawan at sa ilan pang bahagi ng bansa.
Ayon kay NHA General Manager Tai, tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng cash assistance at tiniyak na makatatanggap din ang iba pang mga nawalan ng tirahan.