200 pulis, nabakunahan laban sa COVID-19 ngayong araw

200 mga pulis ang inisyal na nabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw gamit ang mga bakuna mula sa Sinovac.

Ang mga tinurukan ng bakuna ng Sinovac ay mga medical personnel at mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP)

Kabilang sa mga pulis na nabakunahan sina P/Brig. Gen. Luisito Magnaye, PNP Director of Health Service; P/Lt. Col. Cleto Manongas, PNP General Hospital (PNPGH) chief, at ang Deputy Chief ng ospital na si P/Lt. Col. Raymond Ona.

Pahayag ni Magnaye na mabuting mauna nang mabakunahan ng COVID-19 vaccine para magkaroon ng proteksiyon mula sa nakamamatay na virus.

“’Yung takot po wala po ‘yan dahil sa unang babakunahan, lalo ngayon meron tayong pandemic dahil magkakaroon ako ng proteksiyon sa katawa,” ayon kay Magnaye matapos itong maturukan ng bakuna.

Pulis nabakunahan
PNP chief P/Gen. Debold Sinas

Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na mayroong 800 bakuna na paunang inilaan para sa mga health worker sa puwersa ng pulisya.

“Today, the PNP was given 800 vaccines for our health workers. Nagawan na ‘yan ng health service, ang mga policy at mga pangalan kung sino ang mag-a-avail nito. Ang mag-a-avail po nito para sa kaalaman ng lahat ay ‘yung mga health workers lang natin sa PNP,”pahayag ni Sinas.

Aniya, nasa 200 PNP health workers ang mababakunahan sa kada araw.

“According to the director of health service, naka-schedule kung ano oras pupunta ang mga tao dito para walang agawan, overcrowding,” aniya pa.

Samantala, nasa 75% sa PNP personnel ang nagpahayag ng kahandaang magpabakuna.

SMNI NEWS