200K katao, pinalikas ng Russia dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng Ukraine

200K katao, pinalikas ng Russia dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng Ukraine

NASA 200K katao ang pinalikas ng Russia nitong Miyerkules, Agosto 14 dahil sa isang Ukrainian attack.

Ang mga pinalikas ay mga residente mula sa mga rehiyon ng Kursk at Belgorod dahil sunod-sunod na ang mga pag-atake ng Kyiv dito.

Ayon sa Russian Air Defense, nasa 117 Ukrainian drones at apat na Tochka-U missiles ang kanilang sinira magdamag kaugnay sa pag-atake.

Samantala, sa pahayag ng Ukrainian Deputy Prime Minister, mayroon aniya silang 24-hour hotline para sa Russian residents mula Kursk Region na nangangailangan ng humanitarian aid o nais lumikas papuntang Ukraine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble