HUMINA ngayon ang takbo ng 2021 Gross Domestic Product (GDP) ng Thailand dahil sa pandemya.
Base sa inilabas na datos ng Finance ministry ng Thailand, nasa 1% lang ang expansion ng GDP ngayong taon malayo sa inaasahang 1.3% sana nitong Hulyo.
Ayon sa ahensya, sa APQT revision na ginawa nila ngayong taon matapos magsimula nitong Abril ang istriktong health protocol procedures sa mga trabaho, naging mahina rin ang takbo ng Gross Domestic Product (GDP) nito.
Nagpahayag naman si Pornchai Thiraveja, Director-General ng fiscal policy office na inaasahan nito na aabot lang sa 4% ang taas ng ekonomiya nito na makukuha, kumpara sa paniniwala ng ahensya na 5%.
Naniniwala si Thiraveja, na magbabase parin ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa ipatutupad na COVID-19 restrcitions, na siyang makakaapketo sa takbo ng turismo, at local demand ng bansa.
Nakipag-ugnayan naman ngayon ang ahensya sa bank of Thailand bilang paghahanda sa posibleng epekto ng nasabing health restriction sa darating pang mga araw.
Samantala, nitong nakaraang lingo ay inaprubahan ng gabinete ng Thailand ang allocated stimulus na higit siyamnaput dalawang bilyong Baht o 3.7 bilyong US dollars upang palakasin ang sektor ng domestic consuption at suporta sa takbo ng ekonomiya ng bansa.