2022 Bar Exam result, ilalabas ng Korte Suprema ngayong araw

2022 Bar Exam result, ilalabas ng Korte Suprema ngayong araw

ILALABAS na ng Korte Suprema ngayong araw ang mga pangalan na pumasa sa 2022 Bar Exam.

Pagkatapos ito ng apat na buwan na paghihintay kung saan maari nang malaman ng mga nangangarap na maging abogado kung sila ba ay pumasa sa 2022 Bar Exam.

Sa anunsiyo ng Supreme Court (SC), ngayong araw ng Biyernes mailalabas ang mga pangalan ng mga pumasa.

Sa tala, mayroong mahigit 9,000 ang kumuha ng exam noong Nobyembre 9, 13, 16 at 20, 2022.

Idinaos ito sa 14 na local testing centers.

Ang mga pangalan ay ifla-flash sa malaking screen sa Korte Suprema at maging sa website ng SC.

Iaanunsiyo rin ang mga Bar passers na nakakuha ng 30 highest total average.

Maging ang mga law school na nakuha ng 5 pinakamataas na Bar passers percentage.

Pinapayuhan naman ang mga papasa na maghintay ng karagdagang detalye na may kinalaman sa kanilang oathtaking at roll signing sa May 2.

“The Bar candidates who were conditionally admitted to take the 2022 Bar Examinations and have passed the same shall be allowed to join the Oath-Taking Ceremony after they have submitted the requisite documents within the period previously given to them to accomplish the same,” pahayag ng Korte Suprema.

Matatandaan na noong nakaraang Bar Exam ay nasa 8,241 ang pumasa mula sa 11,402 na kumuha ng exam.

Katumbas nito ay 72. 28 percent passing rate.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter