2022 Miss Intercontinental PH Gabrielle Basiano, humiling ng suporta at dasal

2022 Miss Intercontinental PH Gabrielle Basiano, humiling ng suporta at dasal

HUMIHINGI si Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano ng suporta at dasal mula sa mga Pilipino.

Ito’y dahil sasabak na siya sa Miss Intercontinental Coronation Night sa October 14 sa Egypt.

Sakaling maipanalo ni Basiano ang Pilipinas, siya na ang pangatlong Filipina queen na nanalo sa kompetisyong ito.

2018 nang unang manalo si Karen Gallman ng Bohol habang 2021 naman si Cindy Obenita.

Samantala, sa October 15 naman ay sasabak si Chelsea Fernandez sa Miss Globe Pageant sa Albania habang si Roberta Tamondong naman sa Miss Grand International ngayong October 25.

Follow SMNI NEWS in Twitter