PIPIRMAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 National Budget bago mag December 31 ayon sa Malacañang.
Sakabila na hindi natuloy ngayong araw Dec. 28 ang Ceremonial signing ng panukalang 2022 National Budget ay tiniyak ng Malacañang na bago mag Dec. 31 ay pipirmahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi natuloy ngayong araw, Dec.28 ang ceremonial signing o ang paglalagda ni Pangulong Duterte sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon o ang 2022 General Appropriations Bill na tapos ng ratipikahan ng Senado at Kongreso.
Sinabi nila Senator Christopher Bong Go ang dating aide ng Pangulo na kailangan pa ng Presidente ng kunting panahon para rebyuhin ang budget bill.
Ayon naman kay Acting Palace Spokesperson Karlo Nograles na sa kapal ng libro ng enrolled copy ng 2022 GAB ay hindi ito ganun kadali rebyuhin.
Gayunpaman tiniyak ng Palasyo na bago pa mag Dec.31 ay mapipirmahan na ito ng Pangulo para maging batas.
Ibig sabihin walang mangyayaring re-enacted budget sa susunod na taon.
‘’We want to assure the public the budget will be signed..bago pa man sumapit ang Dec. 31,’’ayon kay Sec. Karlo Nograles.
Sa oras na mapirmahan na ng Pangulo ang 2022 GAB ay nasa 5.024T ang maaring gastusin ng pamahalaan para sa mga proyekto nito sa susunod na taon.
Ayon kay Nograles, ang 3.3T dito ay kukunin ng bansa sa magiging revenue nito sa taong 2022 habang ang iba naman ay sa pamamagitan ng loan.
Ilan sa mga nakapaloob sa budget ay ang 188.3-B na pondo para sa DOH at ang 22.99 B para sa Health Facilities Enhancement Program at ang 21-B para sa mga hospital sa buong bansa.
Kasama na rin dito ang para sa booster shots at Special Risk Allowance ng mga Health Workers.