2023 budget para sa water at sanitation facilities vs cholera, pinadadagdagan ng Kamara

2023 budget para sa water at sanitation facilities vs cholera, pinadadagdagan ng Kamara

SUNOD-sunod ang mga kalamidad na tumatama sa bansa kung saan ang huli ay ang Bagyong Paeng.

Nagdulot ito ng mga pagbaha, landslides at flashfloods sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Kasabay rin nito ang pagtaas ng kaso ng sakit na cholera na nagdudulot ng labis na pagtatae, pagsusuka, at dehydration.

Ang kondisyong ito ay dulot ng isang uri ng bacteria na tinatawag na Vibrio cholerae.

Maaaring makuha ang bacteria na ito sa pag-inom ng kontaminadong tubig.

Subalit, maaari din itong makuha sa mga pagkaing hinugasan gamit ang kontaminadong tubig, gaya ng mga pagkaing-dagat, prutas, gulay, at bigas.

Kumpara sa pangkaraniwang pagtatae, ang cholera ay mas mapanganib.

Sa katunayan, maaari itong magdulot ng pagkasawi ng masiglang tao kahit ilang oras pa lamang siyang naapektuhan ng kondisyong ito.

Kaya para maiwasan ang paglobo pa ng kaso sa bansa ngayong panahon ng mga pagbaha, may gagawing aksyon dito ang Kamara.

Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda, nakatakdang dagdagan ng Kamara ang pondo para sa pagpapatayo ng clean water at sanitation facilities.

Layon ng plano na makapagdagdag ng mga pasilidad para mapakagbigay ng malinis na inuming tubig lalo na sa mga bahaing lugar.

Sa 2023 budget, nasa P5.28-B ang proposed budget para sa water systems sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

We are committed to increasing funds for water and sanitation facilities. Right now, the 2023 budget has about P5.28 billion dedicated to water systems under the DPWH budget. We will do more,” ayon kay Rep. Joey Salceda, 2nd District Albay | House Ways and Means Committee Chairman.

Kinokonsidera din aniya ng Department of Budget and Management (DBM) ani Salceda ang mungkahi ng local government units na ilaan sa water systems ang Allocations to Local Government Units na may P63-B budget ngayong taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa na sa mahigit tatlong libo ang cholera cases mula Enero – Oktubre ngayong taon.

Base sa ulat ng DOH mayroong 3,729 cholera cases mula Jan-Oct 2022 habang 976 cholera cases mula Jan-Oct 2021.

Kumpara ito sa mahigit 900 kaso ng cholera sa kaparehong panahon nitong nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ay naitala sa Eastern Visayas, Davao Region at Caraga.

Naabot na rin aniya ng Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas ang epidemic threshold levels sa cholera sa mga nabanggit na taon.

Diin pa ni Salceda, pwede ring hugutin ang budget pampatayo ng clean water facilities sa disaster funds.

Isusulong naman ni Salceda na ilagay sa water systems ang malaking parte ng P31-B NDRRM funds sa 2023.

Bukod pa ito sa relocation sites na dapat agad pondohan ng pamahalaan.

“So, I would argue that a large chunk of the P31-billion NDRRM Fund in the 2023 budget should go towards water systems in evacuation centers and relocation sites. These systems can also be used year-round by the communities around them,” dagdag pa ni Salceda.

 

Follow SMNI News on Twitter