2023 proposed budget ng OVP, mabilis na nakalusot sa komite sa Kamara

2023 proposed budget ng OVP, mabilis na nakalusot sa komite sa Kamara

AGAD tinerminate ng House Appropriations Committee ang budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2023.

Nasa P2.3 billion ang proposed budget ng OVP o 223% na increase kumpara sa budget ng tanggapan ng ikalawang pangulo ngayong taon na nasa mahigit P700 milyon.

Ayon naman sa APPRO Committee na mabilis nilang tinapos ang budget hearing dahil sa ‘courtesy’ ng Kamara para kay VP Sara Duterte na pinangunahan ang OVP sa pagdinig.

Nagpasalamat naman si VP Sara sa Kamara at kay Speaker Martin Romualdez sa suporta nila sa OVP at nagpahayag ng kahandaan para sa mas pinaigting na kooperasyon ng dalawang sangay ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter