2023 proposed national budget, ipapasa ngayong linggo sa Kamara

2023 proposed national budget, ipapasa ngayong linggo sa Kamara

DOBLE-kayod ngayon ang Kamara para agarang ipasa ang national budget para sa susunod na taon.

Lunes ng hapon nang magpalabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Kamara na bilisan ang pagpasa sa P5.268 Trillion 2023 proposed national budget.

Posibleng sa Kamara na aprubahan sa second at third reading ang pambansang pondo sa inasahang sesyon matapos nasertipikahang urgent ang Budget Bill o ang House Bill 4488.

Kung wala kasing urgency ang panukala, may 3 araw na gap para maaprubahan ito sa 2nd at 3rd reading.

Dahil dito ay abot-kamay na sa Kamara na ipasa ang Budget Bill sa target nilang petsa na Oktubre 1.

 “This is why we can say with confidence that we are on track to pass the budget before October 1. After this, Congress will transmit the GAB to the Senate, which will have its own version. A bicameral conference will also be done to consolidate the versions of each chamber,” pahayag ni Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chairman, Committee on Appropriations.

Target ng Kamara na tapusin ang debate sa plenary ngayong Miyerkules at ayusin ang lahat ng concerns ng mahigit 75 na mga ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Quimbo, paraan nila ito para hindi mabitin ang mga programa ng pamahalaan sa susunod na taon.

At ang pinakaayaw nilang mangyari ay magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.

“‘The target is to pass the 2023 GAA by the end of this year to avoid having a re-enacted budget. Kapag re-enacted ang budget, hindi mapopondohan ang mga bagong proyekto at programa. Mahirap ito lalo na para sa mga proyektong time sensitive tulad ng infrastructure construction. Hindi rin mae-expand ang mga programa para sa ayuda at health services na susi sa pagbangon natin mula sa pandemya,” ayon kay Quimbo.

Minsan na ring nag-operate ang pamahalaan gamit ang reenacted budget sa nagdaang administrasyon.

Sa unang mga araw noong 2020, nag-operate gamit ang reenacted budget ang Duterte administration.

Maging noong 2019 na nakabawas sa economic growth ng bansa.

“A re-enacted budget would mean delays in the delivery of public services to the detriment of our people. NEDA estimated that in 2019, the re-enacted budget costed us 1-1.2 percentage points of the GDP growth,” dagdag ni Quimbo.

Tiniyak naman ng Kongreso na ang pinakaunang budget ni Pangulong BBM ay sesentro sa economic recovery para sa lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter