2024-2025 PVL All Filipino Conference, nagbalik na

2024-2025 PVL All Filipino Conference, nagbalik na

SA pagbabalik ng PVL All-Filipino Conference nitong January 18, 2025, panalo ang Farm Fresh Foxies kontra Nxled Chameleons sa iskor na 25-22, 26-24, 25-21.

Player of the game si Jolina Dela Cruz matapos nag-ambag ng 20 points, 18 attacks at 2 aces.

Sa sumunod na game, bagamat natalo sa unang dalawang sets, panalo naman ang Choco Mucho Flying Titans kontra Zus Thunderbelles sa iskor na 20-25, 20-25, 25-22, 25-22, 15-9.

Player of the game dito si Deanna Wong na may 7 points at 10 excellent sets.

Samantala, sa huling game, panalo ang PLDT High Speed Hitters kontra Akari Chargers sa iskor na 25-22, 25-16, 25-15.

Player of the game si Majoy Baron na may 11 points at 11 attacks.

At sa January 21, abangan ang game ng Galeries Tower Highrisers at Cignal H Spikers, 1:30pm.

Habang 4:00pm ang Capital1 Solar Spikers at Creamline Cool Smashers; at Petro Gazz Angels vs. Chery Tiggo Crossovers, 6:30pm.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble